NANAY ARESTADO MATAPOS IBINTA ANG ANAK ONLINE SA NORTHERN SAMAR
CATARMAN, NORTHERN SAMAR/June 2, 2024---Narescue ang ang dalawang minor de edad, at nahaharap sa kaso ngayon ng isang ina matapos nitong subukang ibinta ang kanyang anak sa online noong sabado June 2. Ayon sa Police report, ang suspect, ay isang 23 anyos na nanay at nakatira sa Brgy. Laoangan, San Roque, Northern Samar.
Napag-alaman na ang suspect ay nakipag transactions sa Facebook at ibinibinta ang kanya dalawang buwang anak sa halagang 60K. Dahil dito ang Women and Children Protection Center (WCPC) personnel nag-panggap na iyang bibili sa ibinibintang bata ng suspect sa online.
Doon kinasa ang entrapment at rescue operation ng WCPC Northern Samar, kasama ang Women and Children Protection Desk of Police Regional Office 8, ng Catarman Municipal Police Station, in coordination sa DOJ RATFF 8, at Catarman Municipal Social Welfare and Development Office, doon nahuli ang suspect at na rescue ang biktima kasama ang isa pa nitong kapatid na dalawang taong gulang sa meeting place sa Catarman, Northern Samar.
Ang arestadong suspect ay hawak ngayon ng Catarman MPS dahil sa violation of Sections 4 of R.A 9208 as amended by R.A 11862 also known as the "Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022" in relation to R.A 7610 ang kakaharapin na kaso ng suspek, samantala ang mga biktima ay nasa kustudiya ng Catarman MSWDO.#
Comments
Post a Comment