SUGATANG NPA NADAKIP AT MGA ARMAS NA REKOBER SA SERYENG INGKWENTRO NG SUNDALO AT NPA SA NORTHERN SAMAR
CATARMAN, NORTHERN SAMAR/JUNE 5, 2024---Isang sugatang NPA member ang nadakip ng kasundaluhan matapos ang ingkwentro konta sa mga rebelde doon sa kabundukanng parte ng Brgy. Igot, Pambujan, Northern Samar noong June 1, 2024.
Itoy matapos ang 19th Infantry “Commando” Battalion, Philippine Army, isagawa ang focused military operation matapos matangap ang inpormasyon mula sa isang concerned civilian na may mga armadong grupo sa Brgy. Igot na nagsasagawa ng extortion activities.
Banda alas 5:30 ng umaga ay naka ingkwentro ng tropa ang mga rebelde na umabot sa limang minuto ang palitan nga putok kung saan nakuha ng kasundaluhan ang isang M16 rifle at mga personal belongings ng mga rebelde.
Sa araw din na iyon ay nakatanggap ng text message ang tropa ng gobyerno mula sa isang concerned citizen na may wounded individual sa Brgy. Chapel na malapit sa Pambujan River.
Ang sugtan ay nakilala na si Lagi Cabides alias Lagui, member ng Squad 4, SRGU, SRC Emporium, EVRPC na inabandona ng kanyang mga kasamahan dahil sa natamo nitong gunshot wound sa ulo. Sa pamamagitan ng trupa at civilian volunteers ay binigyan ng first aid treatment ang sugatang rebelde bago dinala sa Pambujan Rural Health Unit.
At habang ang tropa ay nagsasagawa ng pursuit operations, ay naka ingkwentro ang walong NPA sa may Bgy Cagbigajo, Pambujan. Umabot sa tatlong minuto ang palitang ng putok kung saan nagsitakas ang mga rebelde sa ibat ibang deriksyon at naiwan ang dalawang improvised shotguns at isang International Humanitarian Law- banned Anti-Personnel Mine.
Samatala si Lieutenant Colonel Marvin Maraggun, Commanding Officer ng 19IB, laking pasasalamat sa suporta ng Barangay Task Force ELCAC ng Pambujan at ang cooperation ng civilian para tapusin ang insurgency sa lugar.
Si Major General Camilo Z. Ligayo, Commander of 8ID at nanawagan sa natitira pang individual ng mga rebeldeng grupo na mag surrender na dala ang kanilang mga armas at bumalik na sa gobyerno upang makapag bagong buhay.#
Comments
Post a Comment